1,368 BARANGAY MASASAPOL NI ‘SAMUEL’

Papalo sa 1,368 na barangay ang posibleng masapol ni Tropical storm Samuel sa Mindanao Region, babala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ang pahayag ay ginawa ni NDRRMC spokesman Edgar Posadas kasunod ng Pre-Disaster Risk Assessment meeting para talakayin ang pag-responde sa mga maaapektuhang residente.

Nagsimula na umanong maghanda ang kanilang tanggapan at mga ahensiyang nasa ilalim nila sa pagtama ng typhoon Samuel.

Hindi man kasing lakas ng Bagyong Ompong, ang Typhoon Samuel ay na-monitor na pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kahapon ng (Linggo) ng umaga.

Hindi umano dapat magpakampante ang mga mamamamyan dahil mas mainam umanong maging handa para sa kaligtasan ng lahat sakaling manalasa ang bagyo na inaasahang magla-landfall bukas (Martes).

Alas-10:00 kahapon ng umaga nang pumasok sa PAR ang nasabing bagyo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

121

Related posts

Leave a Comment