139 kaso isinampa ng DILG vs local officials SABIT SA ANOMALYA SA SAP, TINULUYAN

TINATAYANG 139 kaso ang naisampa na ng Department of Interior and Local Govermment (DILG) laban sa local government officials na inireklamo sa maanomalyang paghawak ng pondo para sa cash subsidy program sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Lunes, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na ang tips o sumbong mula sa 452 complainants ang naging dahilan ng imbestigasyon sa 649 lokal na opisyal.

Mula sa bilang na ito, nakapaghanda ang PNP Criminal Investigation and Detection Group ng 250 cases kung saan 139 sa naturang bilang ay inihain na sa fiscal’s office.

“Ito ay tuloy-tuloy sapagkat kailangang managot ang mga local government officials na nag-corrupt, nag-aksaya, at nag-abuso sa pagdi-distribute ng social amelioration,” ayon kay Sec. Año.

Aniya pa, may 885 private individuals ay inaresto dahil sa iba’t ibang krimen gaya ng hoarding, profiteering at pagmamanipula sa presyo.

“Ito po ay masasabi nating economic sabotage habang mayroon tayong pandemic,” ang pahayag ni Sec. Año.

Nauna rito, nag-alok si Pangulong Duterte ng 30,000 peso reward para sa makapagbibigay ng impormasyon ukol sa government officials na diumano’y nangurakot ng pondo para sa financial assistance program ng pamahalaan. (CHRISTIAN DALE)

272

Related posts

Leave a Comment