14 NBI TEAMS TUTUTOK SA KAPA

nabikapa12

(NI JULIE DUIGAN)

NAGPAHAYAG ang pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa usapin ng KAPA –community Ministry  International , kaugnay sa umano’y investment scam — na maglalaan ng 14 na team sa tututok sa kaso.

Ito ang napag-alaman kay NBI spokesperson Nick Suarez, kasabay ng pahayag na may tatlong taon na nilang sinusubaybayan ang aktibidad na ito ng grupo.

Ayon kay Suarez napaaga lamang ang aksiyon ng NBI matapos na iutos ang pagpapasara ni Pangulong Duterte sa mga tanggapan ng Kapa.

Kasabay nito, hinikayat ni Suarez ang mga nabiktima ng Kapa na magreklamo na sa NBI.

Pinayuhan din ni Suarez ang publiko na umiwas sa ganitong klase ng modus lalo na kapag nag aalok ng 30% returns sa inyong donation investment.

Kawawa umano iyong mga huling maglalagak ng investment dahil tiyak na hindi na ito maibabalik sa kanila.

Sa pagtaya  ng NBI umabot sa P100 bilyon ang nakuha ng founder at opisyal ng Kapa.

Nabatid na inihahanda na ng NBI,ang pagsasampa ng kasong syndicated estafa laban sa mga founder at opisyal ng Kapa.

124

Related posts

Leave a Comment