15 BAGONG JEEPNEY INILIPAT NG DOTr  SA TRANSPORT GROUP

(NI KEVIN COLLANTES/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

MAY 15 bago at modernong jeepney units ang itinurn-over nitong Huwebes ang Department of Transportation (DOTr) sa transport group na Pasang Masda.

Pinangunahan mismo ni Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang ceremonial turnover ng mga naturang modern jeepney units kay Pasang Masda President Ka Obet Martin, na bahagi ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Magkatuwang pa sina Tugade at Martin sa pag-i-inspeksiyon sa mga makabago, komportable at environment-friendly na jeepneys, na ilulunsad sa publiko.

Ilan umano sa mga features ng mga ito ay ang global positioning system (GPS), closed-circuit television (CCTV), libreng internet connection, automated fare collection system, at side entrance.

Nabatid na ang mga nasabing modern jeeps ay tatakbo sa rutang Nichols-Magallanes-Mall of Asia- PITX at pabalik.

Samantala, muli namang nilinaw ng DOTr na layunin ng programa ng pamahalaan na ayusin ang sistema ng pampublikong transportasyon, palitan ang mga lumang jeep ng mga makabago at roadworthy na unit, tumulong makabawas sa polusyon sa ating kapaligiran, iangat ang antas ng kabuhayan ng mga PUV operator at driver, at gawing mas ligtas at maginhawa ang biyahe ng mga commuter.

 

260

Related posts

Leave a Comment