16.6-M BUMOTO KAY DU30 NADARAGDAGAN — SOLON

duterte1234

(NI BERNARD TAGUINOD)

IMBES na mabawasan ang 16.6 million Filipino na bumoto kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 presidential election, lalo pa itong nadaragdagan habang tumatagal.

Ganito inilarawan ni Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., ang resulta ng Pulse Asia survey kung saan nakakuha si Duterte ng 85% trust at performance ratings sa gitna ng mga mga kontrobersya na ipinupukol dito.

“The high approval rating President Rodrigo Roa Duterte earned clearly shows he has gained the support not just of the 16.6 million who voted for him three years ago,” ani Garbin.

Katumbas ito ng halos 8 sa bawat 10 Filipino na ang nagtitiwala at aprubado sa mga ito ang mga ginagawa ni Duterte sa gobyerno kaya ayon kay Garbin, 3% hanggang 4% na lamang ang minorya.

TRUST AT PERFORMANCE RATING NI DUTERTE BAKA GAMITIN SA CHA CHA PERO…

Nababahala naman ang mga militanteng mambabatas na gamitin ng gobyerno ang mataas na rating ng Pangulo para ikasa ang Charter Change (Cha Cha) para sa interes ng China.

Gayunpaman, sinabi ni Bayan Muna chair Neri Colmenares, hindi magiging dahilan ang pagtitiwala ng mga Filipino kay Duterte para iabandona na ang laban kontra sa Cha Cha.

“Even with the still high popularity of Pres.Duterte, 9 out of 10 Filipinos believe that we should assert our sovereignty and Cha-cha is a way of surrendering it. Filipinos draw the line when it comes to fighting against foreign oppressors like China and the US,” ani Colmenares.

Indikasyon ito na bagama’t sinusuportahan ng taumbayan si Duterte ay  nais pa rin ng mga Filipino na ipagtanggol ang soberenya ng Pilipinas laban sa China at maging sa Amerika.

149

Related posts

Leave a Comment