(NI HARVEY PEREZ)
MAY 169 na katao umano ang naitalang dinapuan ng meningococcemia sa bansa ngayong taong ito, kung saan 88 sa kanila ang binawian ng buhay.
Ayon sa Department of Health (DOH),base sa inilabas na datos ng DOH-Epidemiology Bureau (EB),mula Enero hanggang Setyembre 21, 2019 ay nakapagtala sila ng 169 kaso ng meningo na may 88 nasawi o case fatality rate na 52%.
Ito umano ay bahagya na tumaas kumpara sa 162 kaso na naitala sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon, kung saan may 78 ang nasawi.
“Most of the cases (79%) reported were not laboratory confirmed, presenting a gap in confirming the magnitude of the disease,” ayon sa DOH.
Kaugnay nito inamin naman ni DOH-Calabarzon Regional Director Eduardo Janairo, na lima katao na ang binawian ng buhay dahil sa meningococcemia sa Batangas.
Gayunman,nanindigan ang DOH na walang meningo outbreak sa Batangas at maging sa bansa.
“As of the moment, there is no meningococcemia outbreak in the country, as cases are sporadic in nature and are not clustering,” anu DOH Assistant Secretary of the Public Health Services Team Maria Rosario Vergeire.
Nabatid na kung titingnan ang data sa nakalipas nalimang taon ay halos pare-pareho lamang
ang dami ng mga pasyenteng tinatamaan ng sakit.
Sa magkakahiwalay rin naman ang mga lugar na pinagmulan ng mga pasyente kaya’t hindi ito maituturing na outbreak.
Sinabi ng DOH, ang meningococcal disease ay rare o madalang lamang ngunit ito’y isang napala-seryosong sakit, na sanhi ng bacteria na Neisseria meningitidis.
Nabatid na sa 15% umano ng mga kaso nito ay maaaring mamatay ang pasyente sa loob lamang ng ilang oras.
Dahil naman sa severity at rapid progression ng sakit, mahalaga ang early diagnosis ng sakit at agarang paglunas dito ng antibiotics.
Pinayuhan ni Vergeire ang publiko na nalakaranas ng sintomas ng meningococcemia na pumunta sa pinakamalapit na hospital.
176