BILANG pagpapakita ng pagmamahal ng lungsod sa kapaligiran at sa water lily bilang tagapagbigay ng buhay at kabuhayan, ipinagdiwang ng Las Piñas City ang 17th Water Lily Festival sa Villar Coliseum nitong Martes, Agosto 6.
Itinampok sa selebrasyon ang Ms. Waterlily Pageant at ang ‘Sayaw Kalikasan’ dance contest na nilahukan ng dalawampung barangay sa Las Piñas.
Nakuha ng grupo ng Barangay Elias Aldana ang grand champion trophy at cash na P30,000 na iginawad nina Senator Cynthia A. Villar, House Deputy Speaker Camille Villar at dating Konsehal Carlo Aguilar. (DANNY BACOLOD)
109