19 PINOY SA DRUGS SA MEXICO MINOMONITOR NG DFA

mexico

(NI ROSE PULGAR)

PATULOY na minomonitor ng Philippine Embassy sa Mexico ang development ng kalagayan ng mga seafarers ng barkong Cypriot –flagged vessel ng UBC Savannah na nakadaong sa Altamira Port sa Mexico nitong Hulyo 27.

Sakay ng nasabing barko ang 22 seafarers, kabilang ang 19 Pinoy at tatlong Polish nationals ang pinigil dahil sa umano’y paglabag sa illegal drugs law sa nasabing bansa.

Ayon sa kinatawan ng Philipine Embassy, pito sa 19 ng Pinoy seafarers ang kasalukuyang pinigil para umano isailalim sa pagtatanong.

Inaalam na rin ng DFA kung ang mga nasabing Pinoy ay may paglabag sa illegal na droga.

Sinabi pa ng ahensya, naipaalam na rin umano ng embahada sa kani-kanilang pamilya hinggil sa nangyari sa grupo.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na rin ang embahada sa lahat ng Mexican authorities at law firm na kumakatawan sa mga crewship sa hindi pormal na pagsampa ng reklamo laban sa mga seafarers.

Nakahanda naman ang DFA na magbigay ng anumang uri ng legal assistance na kinakailangan para protektahan ang Filipino seafarers sa tamang pagdinig sa hukuman.

Samantala, pinaalalahanan naman ng DFA ang publiko sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumunod sa mga batas ng bansa na kanilang tutunguhan.

 

113

Related posts

Leave a Comment