1K PINOY KAILANGAN SA ISRAEL

PINAGHAHANDA ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang mga Pilipino na gustong magtrabaho sa mga hotel sa Israel dahil mahigit 1,000 ang job offering sa nasabing bansa.

Ayon kay DoLE Secretary Sylvestre Bello III, sigurado ang alok na ito dahil nagkaroon na ng kasunduan sa pagitan ng DoLE at Israeli Tourism Ministry.

Patuloy na lumalakas ang industriya ng turismo sa Israel kung saan ang gusto ng kanilang pamahalaan ay mga Pilipino ang maging empleyado nila dahil marunong itong mag-Ingles at napakahusay magsilbi at magtrabaho.

Nagpaalala lamang si Bello na sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) lamang magtungo ang mga interesado dahil ito ang inatasan ng kalihim na mag-asikaso ng mga Pilipino na gustong magtrabaho sa Israel.

 

6

Related posts

Leave a Comment