2.5-M PAMILYA, ISKWATER

squatter44

(NI BERNARD TAGUINOD)

UMAABOT sa 2.5 milyon ang bilang ng mga pamilyang informal settlers o mas kilala sa tawag na squatter sa bansa na dapat pagtuunan ng pansin ng Department of  Human Settlement and Urban Development (DHSUD).

Sa naturang bilang, ayon kay Bahay party-list Rep. Naealla Bainto Aguinaldo, 220,000 ang nasa Manila at sa paligid ng Manila Bay na dapat aniyang ilipat sa mga ligtas na lugar.

“There are an estimated 220,000 ISFs along the esteros of Manila and Manila Bay, and as long as they remain in those areas, their lives are at risk,” pahayag ni Aguinaldo.

Maliban sa nakatira sa mga delikadong lugar, walang maayos na sewage system o kubeta ang mga residenteng ito kaya ang mga dumi ay napupunta sa ilog at dagat na may masamang epekto sa kapaligiran.

“Sa ganitong sitwasyon, lahat talo. Talo ang mga pamilyang nakatira sa mga lugar na ito at talo rin ang ating environment. Our people deserve better,” ayon pa sa mambabatas.

Dahil dito, dapat aniyang pagtuunan ng pansin ng DHSUD ang problema sa sandaling maging ganap nang batas ito  dahil tungkulin ng estado na matiyak na ligtas ang tirahan ng mga mamamayan.

 

836

Related posts

Leave a Comment