2.5-M SAKO NG PALAY TARGET BILHIN NG NFA

palay12

(Ni FRANCIS SORIANO)

TARGET ngayon ng Central Luzon National Food Authority (NFA) na bumili ng nasa 2.5 milyong sako ng palay sa buong rehiyon sa halagang P20.70 kada kilong  tuyong palay sa mga magsasaka.

Ayon kay Piolito Santos, NFA Regional Director, target ng tanggapan para sa taong 2019 ay katumbas lamang ng 3.5 porsyentong inaaning palay sa buong rehiyon hanggat hindi pa napupuno ang target na ilalaan sa panahon ng kalamidad o biglaang pangangailangan ng bansa.

Sa kasalukuyan ay nasa 120,000 bags na ng palay ang nabibili ng tanggapan at inaasahang dadagsa pa simula ngayong buwan ang mga magsasakang magbebenta lalo’t panahon ng anihan.

Kasabay nito, ang pagdating naman ng huling batch ng mga imported na bigas sa mga bodega ng NFA na ibebenta sa merkado hanggang sa buwan ng Agosto sa halagang P27 kada kilo.

Kasama rito ang paparating na 650,000 bags bukod pa ang stock nitong nasa 1.48 milyong sako na kalat sa pitong lalawigan sa rehiyon at ito na ang huling pag-import ng tanggapan batay sa Rice Trade Liberalization Law na nagbibigay karapatan at laya sa pribadong grupong makabili ng imported na bigas.

211

Related posts

Leave a Comment