2 ARESTADO SA DROGA

DALAWANG hinihinalang drug personalities ang arestado matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa ikinasang buy-bust operation sa Malabon City kagabi.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na sina Alvin Lozano, 28, at Wilcris Perrando, 41, kapwa ng Brgy. Tañong.

Sa imbestigasyon ni PCpl Michael Oben, dakong alas-8:15 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Lalaine Almosa sa kahabaan ng Adante St., Brgy. Tañong kontra sa mga suspek.

Nagawang makaiskor kay Lozano ng isang sachet ng shabu ng pulis na umaktong poseur-buyer.

Matapos tanggapin ni Lozano ang P500 marked money mula sa buyer ay agad nagbigay ng signal ang pulis sa kanyang mga kasamahan at inaresto ang suspek kasama si Perrando.

Nang kapkapan, nakumpiska kay Lozano ang buy-bust money at apat pang plastic sachets ng shabu habang nakuha naman kay Perrando ang dalawang plastic sachets ng shabu. FRANCIS SORIANO

109

Related posts

Leave a Comment