2 BATAS NG CHINA GAGAMITING SPY SA ‘PINAS — KIKO

kiko23

(NI NOEL ABUEL)

MULING nagbabala si Senador Francis Pangilinan na malagay sa alanganin ang seguridad ng bansa sa kasunduang pinasok ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng third telecommunications player Dito Telecommunity Corp. para magtayo ng tower sa loob ng military bases ng bansa.

Giit ni Pangilinan, dalawang batas ng China ang gagamitin umano ng nasabing bagong telecom  company para makakalap ng mahahalagang impormasyon sa bansa.

“There is a national security concern. Alam mong merong batas, dalawang batas ang China, iyong National Intelligence Law of 2017, at iyong Counter-Espionage Law of 2014. And in both laws, sinasabi ng mga batas nila, na ang organizations — private organizations and citizens –should cooperate in gathering of intelligence information by the state,” sa pahayag ni Pangilinan.

Sinabi pa nito na ang Dito telecom ay dating Mislatel, na consortium ng negosyanteng si Dennis Uy ng Udenna Corporation at subsidiary nitong Chelsea Logistics Corporation, at Chinese state-owned China Telecommunications Corporation, na parent company ng China Telecom.

“China Telecom is an organization. It is a Chinese company. What if the Chinese government says, ‘Oh, meron kayong access diyan. You are mandated to turn over information to us because we have the Counter-Espionage Law and we have the National Intelligence Law,’” dagdag pa ng senador.

Paliwanag pa nito na marami nang bansa tulad ng Australia, United States, Japan at New Zealand ang nagpatupad ng ban sa Chinese telecom giant Huawei dahil sa security concerns.

“Hindi biro itong China telco involvement dito sa ating military camps. Ang concern: gagamitin nu’ng Chinese government ‘yung information na nakukuha at dumaraan doon sa kanilang mga sistema para itulak ang interes ng China,”giit nito.

 

198

Related posts

Leave a Comment