2 KOMPANYA SA TAGUIG, IDINIIN SA P14-M TAX EVASION CASES

bir1

(NI NELSON S. BADILLA)

TINIYAK ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na madidiin sa kasong tax evasion ang dalawang malalaking kompanya sa Lungsod ng Taguig dahil hindi pagbabayad ng P14 milyong buwis sa ahensiya.

Kinasuhan ng BIR Ecosolutions Engineers, Project Managers and Sustainability Consultants (Ecosolutions) at Glazetech Glass Aluminum Installation, Inc. (Glazetech) sa Department of Justice (DOJ) makaraang mapatunayan ng mga imbestigador ng BIR na ang dalawang kompanya ay hindi nagpabayad ng P14 milyong buwis.

Idiniin ng BIR na ang hindi pagbabayad ng P5,676,306.34  buwis para sa taong 2017.

Samantalang, ang Glazetech ay hindi naman nakapagbayad ng

P7,942,043.72 para naman sa taong 2016 at 2017, banggit ng BIR.

Tinumbok ng BIR na tahasang paglabag sa Seksyon 251 at 255 kaugnay sa Seksyon 253 (d) at 256 ng National Internal Revenue Code of 1997 ang ginawa ng dalawang kompanya.

Nabatid ng PERYODIKO FILIPINO INC. (PFI) na kasama sa kaso ang mga managing partners ng Ecosolutions na sina Felipe Agustin, Biran Mangio at Nestor Mangio.

Kasama rin si Agustin sa kasong kinakaharan ng Glazetech, sapagkat siya ang chairman ng kompanyang ito.

Maliban sa kanya, kasama sa kasong tax evasion ng Glazetech ang tesurero ng kompanya na si Maria Theresa Agustin.

Ang Ecosolutions ay matatagpuan sa ika-20 palapag ng The Trade & Financial Tower, Unit 2007 sa kanto ng 7th Street at 32nd Street sa Fort Bonifacio at sa Unit 24D North Pacific Plaza Towers sa kanto ng 25th St. at 4th Ave., BGC sa Lungsod ng Taguig.

Ayon sa BIR, ang Ecosolutions ay “primarily engaged in the performance of professional engineering consulting services including project management, construction management and sustainability consulting for building industry and other related activity and services.”

Matatagpuan din ang Glazetech sa parehong address na “primarily engaged in the business of installation and supply of glass and aluminum to various commercial and residential properties,” tugon ng BIR.

Ayon sa BIR, “Records show[ed] that both ECOSOLUTIONS and GLAZETECH eFiled their corresponding tax returns but were not able to ePay it on time, hence, are liable to pay the corresponding taxes due thereon, inclusive of surcharge and interests. ECOSOLUTIONS eFiled its withholding tax returns (1601C and 1601E) last 2017 while GLAZETECH e-Filed its corresponding monthly and quarterly VAT Returns, monthly remittance return of income taxes withheld for taxable years 2016 and 2017 but was not also able ePay.”

Batay sa umiiral na alituntunin at regulasyon ng BIR, ang eFPS ay dapat na binabayaran sa araw din ng pagpasa ng mga return sa pamamagitan ng elektronikong pamamaraan, alinsunod sa itinakda ng btas sa pamumuwis ng bansa.

Ilang ulit nagpadala ng liham ang BIR sa Ecosolutions at Glazetech, ngunit hindi sumagot ang dalawa, saad ng BIR

213

Related posts

Leave a Comment