2 YRS PROBATION PERIOD KINONTRA NG MGA OBRERO

(NI BERNARD TAGUINOD)

TULAD ng inaasahan, kinontra ng grupo ng mga manggagawa ang panukalang batas na inakda ni Probinsyano Ako party-list Rep. Jose “Bonito” Singson Jr., na gawing 2 taon ang probation period bago gawing regular.

Kahapon, Miyerkoles ay sinimulan ng House committee on labor na pinamumunuan ni 1PACMAN party-list Rep. Eric Pineda ang pagdinig sa House Bill 4802 na iniakda ni Singson kung saan ipinaglaban pa rin nito ang kanyang panukala.

Sinasabi natin imbes na ma-terminate, let’s give them a chance to continue being employed. What’s so wrong with that? We all know that there’s a lot of employees being terminated every six months or every five months,” depensa ni Singson sa kanyang panukala.

Gayunpaman, tinutulan ito ng mga manggagawa dahil lalo lamang umanong pagsasamantalahan ng mga employers ang kanilang mga tao dahil sa haba ng probation period.

Ayon kay Daniel Edralin, ng Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggawa, imbes na pahabain ang probation period ay dapat gawing regular aniya ang lahat ng mga obredo.

“Ang gusto namin maging regular, kung pwede ‘wag nyo na pong pahabain, na pigilan ‘yung aming pagiging regular sa kumpanya,” ayon kay Edralin.

Sa ngayon ay 6 na buwan lamang ang probation period subalit nais ni Singson na gawing 24 buwan ito o dalawang taon.

“Why prolong the agony? If the question is competence then you have already a six-month period to determine competence. ‘Wag ho na natin palalain ‘yung tinatawag nating  (Let us not worsen) corporate impunity,” ayon naman Louie Corral, vice president ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).

 

158

Related posts

Leave a Comment