(NI BETH JULIAN)
IIMBESTIGAHAN ng Presidential Anti Corruption Commission (PACC) ang 13 hanggang 20 opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)
Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, kabilang dito ang ilang opisyal na mayroon nang kinahaharap na dating reklamo.
Ang mga ito ay isasailalim sa lifestyle check at bubusisiin maging ang kanilang mga statement of assets, liabilities and net worth (SALN).
Kung may kuwestyunableng yaman o negosyo, titingnan din umano kung nakapagbabayad sila ng tamang buwis.
“We will begin atleast 13 to 20 officials na identified po namin, at meron pong mga intelligence reports po kasi kaming nakalap. Meron na po kaming mga hawak na may pending cases na po sa amin ang PCSO so this will be a separate investigation without prejudice to the current investigation that they are doing on another issues,” pahayag ni Belgica.
Inaasahang matatapos ang imbestigasyon ng PACC sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan at kaagad namang magsusumite ng rekomendasyon hinggil dito kay Pangulong Rodrigo Duterte.
“Ang investigation will be dependent sa submission ng mga offices. Of course isa-subpoena naman namin yan, ng mga dokumento. At kapag nakuha na po namin ang mga dokumento, hindi naman po marami yung 13 hanggang 20 eh, mga two to three months tapos po namin yang investigation, evaluation, pasasagutin na po namin sila,” pahayag ni Belgica.
256