21-0; PAGPAPALIBAN SA BRGY, SK ELECTIONS LUSOT SA SENADO

BRGY-SK-TERM

(NI NOEL ABUEL)

LUMUSOT na sa Senado ang panukalang naglalayong ipagpaliban ang May 2020 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa botong 21-0, inaprubahan ng Senado sa ikatlong pagbasa ang panukala na nagsusulong na itakda ang Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa December 5, 2022.

Isinasaad din sa panukala na isasagawa ang Barangay at SK elections kada tatlong taon.

Ang ipinasang Senate Bill No. 1043 ay pinagsama-samang limang panukala na nakapaloob sa Committee Report No. 4 at inisponsoran ni Senador Imee Marcos, bilang chairperson ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation.

Sakaling tuluyang maging batas, dalawang eleksyon ang magaganap sa 2022 kasama ang presidential election sa Mayo at ang Barangay at SK Elections sa December ng naturang taon.

“We have given six and a half months which they consider as sufficient time. It is manual, it is not hybrid…So six and a half months or so apparently is a short period, Comelec will be pressed for time but they claim that they can do it without undue failure of elections and other problems,” paliwanag ni Marcos.

188

Related posts

Leave a Comment