21 PHILHEALTH OFFICIALS, EMPLOYEES  KINASUHAN SA DOJ

philhealth66

(NI HARVEY PEREZ)

SINAMPAHAN  ng kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) ng National Bureau of Investigation(NBI), ang may  21 opisyal at  empleyado ng  Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) , dahil  sa pagkakasangkot sa maanomalyang  claims sa dialysis ng mga pasyente ng Wellmed Dialysis Center.

Kasong paglabag sa Section 3 ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act,
paglabag sa Republic act 10606 o National Health Insurance Act of 2013 at Republic Act 6713  o Code of conduct and ethical standards for Public Officials and Employees, ang mga isinampa sa mga mga opisyal at empleyado ng PhilHealth.

Nadiskubre rin  sa  isinagawang imbestigasyon ng  NBI , ang mga   maanomalyang  claims para sa pagbabayad ng mag dialysis at iba pang medical treatment ng mga miyembro at benepisyaryo ng Philhealth.

Kasama  sa mga kinasuhan ang mga miyembro ng Accreditation Sub- Committee ng Philhealth Regional Office National Capital Region.

Gayundin, ang Branch Manager ng Philhealth na si Dr. Lolita V. Tuliao na siya umanong responsable sa pag-apruba ng accreditation ng Wellmed Dialysis Center noong 2019, kahit may ginawa ng imbestigasyon ang Fact Finding investigation and enforcement departent ng Philhealth ukol sa mga ghost claims ng Wellmed.

Nalaman na wala rin umanong isinagawang periodic monitoring ang Philhealth Regional Office ng NCR sa mga health care institution.

Kaugnay nito, sinimulan na rin ng NBI ang pag iimbestiga sa mga provincial offices ng Philhealth upang malaman kung nagkaroon din ng anomalya sa mga healthcare institution nito.

203

Related posts

Leave a Comment