(Ni SAMANTHA MENDOZA)
Binigyan ng pagkilala ni Pangulong RodrigoDuterte ang 23 sundalong nasaktan sa naganap na sagupaan sa pagitan ng mga miyembro ng Abu Sayaff Group sa Sulu sa pamamagitan na rin ng pagtaas ng ranggo ng mga ito.
Nabatid na binigyan ni Duterte ng Order of Lapu-Lapu with the rank of Kampilan ang 23 sundalo bilang pagkilala sa kanilang katapangan at serbisyo sa pagbisita ng Pangulong Duterte sa Camp Navarro General Hospital noong Sabado.
Bukod dito, pinagkalooban rin ng gun certificates at financial assistance ang mga sundalo.
Nalaman na limang sundalo ang nasawi sa sagupaan sa ASG noong Nobyembre 16 at 17 kung saan karamihan sa kanila ay nanggaling sa northern Philippines.
Ilan sa mga tumanggap ng Order of Lapu-Lapu award na may rank Kampilan ay sina Lieutenant Michael Vincent Benito, Staff Sergeant Rex Cureg, Sgt. Romeo ; Bar-bon, Sgt. Jerson Barasi, Sgt. Reynante Ruma, Corporal Geneus Calamlam, Cpl. Bingbong Salvador, Cpl. Felix Jay Castillo, Cpl. Denver Lambino,Cpl. Eugene Corpuz,Private First Class London Longawis, Pfc. Aldrin
Paj-Dio, Pfc. Kriel Manaligod, Pfc. Jordan Magundayao, Pfc. Ruben Gulayang, Pfc. Harvie Soriano,Pfc. Marnel Piduana , Pfc. Sandoval Ludivico, Pfc.John Paul Layu-gan, Pfc. Gevil Lorenzo, Private Jayferson Balac, at Pvt. Jaime Boco, Jr.,Pvt. Rizalde Tierro,
Ang Order of Lapu-Lapu na may Rank na Kampilan ay ibinibigay sa personnel ng go-byerno at pribadong indibidwal na nasugatan at nawalan ng ari-arian dahil sa pakiki-lahok aksiyon na sumusuporta sa adbokasiya ng Pangulo.
Nangako rin si Pangulong Duterte ng P300 milyon para sa konstruksiyon ng hospital sa loob ng Camp Navarro.
121