24-K EKTARYANG LUPA IBINIGAY SA MGA MAGSASAKA SA SoCOT

south cotabato

(NI BETH JULIAN)

ASAHAN na ngayong Huwebes ay mapasasakamay na ng mga farmer beneficiaries ng agrarian reform ang nasa 13,000 land titles.

Ito ay isakakatuparan sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa General Santos, South Cotabato.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, aabot sa 24,000 ektaryang lupain ang ibabahagi ng Pangulo sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagkakaloob ng certificates of land ownership.

Kasama ng Pangulo na mamamahagi si Agrarian Reform Secretary John Castriciones.

“DAR Secretary Castriciones discussed the Implementing Rules and Regulations of Executive Order 75 with the President during the Cabinet meeting last Monday night,” pahayag ni Panelo.

Noong Pebrero 15, nilagdaan na ng Pangulo ang Executive Order 75 na nag aatas sa lahat ng ahensya na alamin ang mga lupang pagmamay-ari ng gobyerno para maibigay sa mga ‘qualified beneficiaries’.

232

Related posts

Leave a Comment