25TH NATIONAL CHARITY CONVENTION NG RIDERS

TUMANGGAP ng certificate of appreciation ang dating entertainment editor ng Saksi Ngayon sa ginanap na 25th National Charity Convention ng United Riders Charity of the Philippines (URCPI) sa Felipe G. Calderon Integrated School, Hermosa St., Tondo, Manila.

Nagpaunlak si Ms. Julieta Quibral-Pacot sa idinaos na event kung saan pinagkalooban siya ng nasabing pagkilala bilang pasasalamat.

Sa isang panayam kay Mr. Cesar Vergara, national president ng riders club, sinabi nito na nasa 300 miyembro ang kanilang samahan na mula sa iba’t ibang lugar sa bansa tulad ng Pampanga, Cavite, Pangasinan, Isabela, North Caloocan, Pasay, Pasig, Quezon City at Maynila na kaisa sa adbokasiya at misyon para tumulong sa mga kapuspalad nating kababayan.

Tampok sa event ang pagbibigay nila ng tulong-pinansiyal sa dalawang recipients na sina Wenceslao dela Cruz, 70 years old, isang prostate cancer patient mula sa Tondo at Almar Biscayda na stage 4 thyroid cancer patient mula sa Sampaloc, Manila.

Binigyan ng riders club ng tig-P20,700.00 bawat isa ang dalawang pasyente na naging benepisyaryo ng kanilang proyekto. Kabilang din sa nagkaloob ng tulong-pinansyal ang bantog na may-ari ng “Boss Jim Paresan” sa Malate, Manila na chairman ng big bike na “Team Max”.

46

Related posts

Leave a Comment