2ND TRANCHE NG SAP, ‘DI PA NASISIMULAN – MALAKANYANG

HINDI pa nagsisimula ang DSWD sa pamamahagi ng ikalawang bugso o 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP) para sa lahat ng mga benepisyaryo nito na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nagsagawa sila ng beripikasyon hinggil sa distribusyon ng 2nd wave ng SAP, at base aniya sa DSWD, hindi pa nito sinisimulan ang pamamahagi ng naturang cash subsidy.

Aniya, bine-verify pa ng DSWD ang karagdagang limang milyong indibidwal na nararapat din aniyang makatanggap ng 2nd batch ng SAP.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Sec. Roque na sa pamamagitan ng teknolohiya ay mas magiging mabilis na ang pamamahagi ng 2nd tranche ng nabanggit na cash subsidy. CHRISTIAN DALE

66

Related posts

Leave a Comment