MAHIGIT tatlong milyong Pilipino ang may problema sa pag-iisip at marami sa mga ito ang nagpakamatay.
Ito ang dahilan kaya iginiit ni Las Pinas Rep. Camille Villar na isama ang mental disorder sa benefit packages ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) upang matulungan ang mga ito sa pagpapagamot.
“In order to address this seeming mental health crises among our population, this bill shall expand the coverage of the benefit package to include all mental health disorders and regardless of age group,” paliwanag ni Villar sa kanyang House Bill (HB) 10934.
Bukod dito, nais ng mambabatas na magkaroon ng tatlong araw na mental health wellness leave ang mga empleyado hindi lamang sa pampubliko kundi maging sa pribadong sektor ng lipunan.
Base aniya sa Mental Health Strategic Plan 2019-2023 ng Philippine Council for Mental Health, 3.3 percent ng populasyon sa Pilipinas o katumbas ng 3.3 million ang may iniindang depresyon kung saan suicide mortality rate ay umaabot umano sa 3.2 bawat 100,000 populasyon.
“It is the hope of this bill to increase labor productivity and efficiency and raise awareness of the importance of mental health not only for the individual well-being of the employees but also the to the overall health and well-being of our nation,” ayon pa sa panukala ng mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)
34