3.7M COVID VAX NASAYANG

MAY kabuuang 3,760,983 doses ang naitalang COVID-19 vaccine wastage o nasayang na bakuna sa bansa.

Iprinisinta ni acting presidential spokesperson Martin Andanar ang data na nagmula sa Department of Health sa public briefing nitong Miyerkoles.

Sinasabing 1.54% lamang ito sa kabuuang COVID-19 vaccine doses sa bansa.

“Nasa 1.54% ng COVID-19 vaccines na binili ng national government ang masasabing wastage. Malayo ito sa 10% wastage rate ng World Health Organization,” ayon kay Andanar.

Kabilang sa mga dahilan para sa wastage o naaksayang doses ng bakuna ay “under-dosed vials, exceeded shelf life, presence of particles, destruction by disasters like fire and typhoons.”

Sa ulat, aabot sa 27 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ang nakatakdang mag-expire ang bisa pagsapit ng buwan ng Hulyo ngayong taon, ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion. (CHRISTIAN DALE)

400

Related posts

Leave a Comment