(NI BETH JULIAN)
“MAHALAGA ang paglulunsad ng tatlong pre SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles dahil posibleng tumagal at abutin ng tatlong araw ang Pangulo sa kanyang Stste of the Nation Adress (SONA) sa July 22, kapag inisa-isa niya ang kanyang mga accomplishments sa nakalipas na tatlong taong panunungkulan.
“Kailangan magsagawa ng pre SONA para sumentro na lamang ang Pangulo sa kanyang policy direction at ang laman ng kanyang puso at isip na nais ibahagi sa mga Pilipino,” ani Nograles.
Pabirong pahayag nitong Sabado ni Nograles.
Idinaan ni Nograles sa biro ang nasabing pahayag kasabay ng pagsasagawa ng Pre-SONA activities ng mga miyembro ng Gabinete na sinimulan sa Maynila.
Ang nasabing pre-SONA ay una nang isinagawa noong Hulyo 1 na may temang “Patuloy na Pag-unlad,” sa Philippine International Convention Center, Pasay City.
Pinangunahan ng Economic Development Cluster and the Infrastructure Cluster ang unang Pre-SONA sa PICC.
Isasagawa rin sa Cebu sa July 10 ang ikalawang pre SONA at ang panghuli ay sa Davao sa July 17.
Ayon kay Nograles, ito ang dahilan kaya nagkaroon ng Pre-SONA upang maplantsa ang kaganapan gayundin ay para hindi mapagbintangan ang gobyerno na kulang ang report sa taumbayan.
Tampok sa Pre- SONA sa July 10 sa Cebu ang mga programa at nagawa ng mga ahensya tulad ng Department of Social Welfare and Development, Department of Interior and Local Government at Department of Budget and Management.
“Sa SONA ng Pangulo, hindi puwedeng ilagay doon ang lahat ng facts and figures. Imposible po talaga kasi kung gagawin natin ‘yan, aabutin po tayo ng tatlong araw kaya ang ginawa natin, ‘yung tatlong Pre-SONA activities para dito na natin ibabahagi kung ano pa ‘yung mga factual,” paliwanag ni Nograles.
Sinabi nito na ang mga kuwento at testimonya ng mga natulungan ng administrasyon at mga nagawang pagbabago sa buhay ng mga Filipino ay ginagawa na sa Pre-SONA para pagdating ng SONA ng Presidente ay hindi na kailangang ulitin.
Paliwanag pa ni Nograles na babanggitin na lamang ng Pangulo sa kanyang SONA sa July 22 ay ang kanyang policy direction at ang laman ng kanyang puso at isip na nais ibahagi sa mga Pilipino.
“Sa SONA ng Pangulo, deretso na lang ang Pangulo sa kanyang pinaka-punto de vista, kung ano ‘yung gusto nitong sabihin sa taumbayan, at hindi na paulit ulit pa,” pahayag pa ni Nograles.
129