3 SPEAKER CANDIDATE BIGO SA SPEAKERSHIP KUNG…

speaker23

(NI BERNARD TAGUINOD)

MABIBIGO ang tatlong kandidato sa speakership sa 18th Congress na makuha ang nasabing posisyon kung hindi makikipag-alyansa ang kanilang kinabibilangang lapian sa ibang partido.

Ito ang obserbasyon ng marami sa Kamara dahil hindi nakakuha ng sapat na boto ang partido nina Marinduque Rep. Lord Alan Velasco ng PDP-Laban; Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano ng Nationalista Party (NP) at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ng Lakas-CMD.

Sa pagsasaliksik ng Saksi Ngayon, ang LDP-Laban ay nakapagpanalo lamang ng 83 district congressmen noong nakaraang eleksiyon, 43 sa NP at 10 naman sa Lakas-CMD.

“Kaya para manalo ang sinuman sa tatlong iyan, dapat makipag-coalese sila with other party,” ayon sa isang impormante dahil mahalaga na makuha ang kalahati sa miyembro ng 18th Congress.

Kung isasama ang 60 party-list congressmen na hindi pa naipoproklama, magiging 303 na ang miyembro ng 18th Congress kaya kailangang makuha ang kalahati o higit sa kalahati dito para makasiguro ng totoong majority.

Base sa pagsasaliksik ng Saksi Ngayon, pumangatlo ang Nationalist Peoples Coalition (NPC) sa may pinakamaraming naipanalong district congressmen kung saan nasa unahan ng PDP-Laban at NP.

Naka-27 naman ang National Unity Party (NUP) na ikaapat sa may pinakamaraming miyembro kasunod ng LP (18); 12  ang mula sa mga local party; 5 sa PFP at 3 mula sa AASENSO.

Tatlong upuan lang din ang naipanalong district congressmen  ng  Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa katatapos na halalan, dalawa sa LDP at tig-isa sa Aksyon Demokratiko; Partido ng Masang Pilipino (PMP) at Peoples Reform Party (PRP).

263

Related posts

Leave a Comment