$300-M INTEL SUPPORT DONASYON NG US SA PINAS     

DU1

(NI LILIBETH JULIAN)

LUBOS na ikinagalak ng Malacanang ang pangakong binitiwan ng Estados Unidos na higit $300 milyon intelligence support ang kanilang ipagkakaloob sa Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, welcome sa Malacanang ang commitment na ito ng Amerika na patunay na lumalakas ang military illiance sa pagitan ng nabanggit na bansa at ng Pilipinas.

Ayon kay Panelo, anumang uri ng tulong ng bawat United Nations member country gayundin ng kooperasyon ay tinatanggap ng Pilipinas para malabanan at mawakasan ang terorismo.

Sinabi pa ng tagapagsalita na walang kinikilalang boundary, politika, relihiyon o pananampalataya ang terorismo kaya nararapat na magtulong ang lahat ng bansa  mula mula sa UN.

Sa harap nito, siniguro ng Malacanang na mas pinalalakas pa ng pamahalaan ang mga hakbangin para matiyak ang kaligtasan ng mamamayan.

Panawagan ng Malacnanag sa mamamayan na maging mapagmatyag at ipabatid sa mga awtoridad at ipaalam sa mga awtoridad ang mga makikitang anumang kahina hinalang kilos ng sinumang indibidwal o grupo na posibleng maghatid ng karahasan at panganib sa mga inosenteng sibilyan.

125

Related posts

Leave a Comment