LAYON ng administrasyong Marcos Jr. na mabigyan ng irigasyon ang 300,000 ektaryang lupain.
Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni National Irrigation Administration (NIA) Administrator Engineer Eduardo Guillen na kayang makamit ang target na 300,000 ektarya at ang kailangan lang ay partnership.
Ani Guillen, dito na papasok ang Public Private Partnership (PPP) na aniya’y makapagpapabilis sa inaasam na lawak ng lupaing mabigyan ng irigasyon.
Aniya, nasa 20,000 ektarya lamang kada taon ang nagagawang i-turn over at nais nilang lampasan ito sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Para kay Guillen, ang PPP ang nakikita nilang makakapag-ambag sa pagkamit sa nasabing hangarin. (CHRISTIAN DALE)
