30K TESTS KADA ARAW, NAABOT NA NG PILIPINAS

NAABOT na ng Pilipinas ang target nitong 30,000 tests kada araw bago ang Mayo 30, ayon sa Malakanyang ngayong Lunes.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, umabot na sa 32,100 ang daily testing capacity hanggang Mayo 20.

Sinabi rin ni Roque na mayroon nang 66 na COVID-19 testing laboratories sa bansa. Layunin ng Pilipinas na masuri ang 50,000 indibidwal kada araw sa Hunyo.

Mahigit 272,000 katao na ang nasuri para sa COVID-19 hanggang nitong Mayo 23, ayon sa online tracker ng Department of Health.

Plano ng pamahalaan na masuri ang nasa 2 porsyento ng populasyon ng bansa upang matukoy kung gaano kalayo ang COVID-19 outbreak sa bansa.

Nitong Linggo, umabot na sa 14,035 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kung saan 868 ang nasawi habang 3,249 naman ang nakarekober. CHRISTIAN DALE

74

Related posts

Leave a Comment