4.8-M OUT OF SCHOOL YOUTH NAKAAALARMA

OUT OF SCHOOL

(NI BERNARD TAGUINOD)

PINAGREREPORT ng mga militanteng mambabatas sa Kamara ang Department of Education (DepEd) sa kalagayan ng K-12 program matapos maalarma sa 4.8 million out of school youth kahit libre na ang basic education sa bansa.
Sa pamamagitan ng House Resolution (HR) 2324 na inakda nina ACT Teachers partylist Reps.  Antonio Tinio at France Castro, nais ng mga ito na malaman mismo sa DepEd kung matagumpay ba o bigo ang mga ito sa pagpapatupad saRepublic Act 10533 o ang Enhanced Basic Education Act of 2013 at mas kilala sa K-12 program.
Ginawa nina Tinio at Castro ang nasabing hakbang dahil hindi pa aniya nareresolba ang ahensya ang kakulangan ng mga silid aralan lalo na para sa mga senior high school, silya, text books, laboratoryo at iba.
Ito rin umano ang isa sa mga nakikitang dahilan kung bakit tumaas sa 4.8 million ang out of school youth noong School Year 2015-2016 matapos iimplementa ang K-12 program noong 2013 kung saan nadagdagan ng dalawang taon ang basic education sa bansa.
Mas mataas umano ito ng 11% sa nagdaang 5 taon bago ang nasabing batas kaya kuwestiyonable umano kung naging matagumpay ang nasabing programa.
Sa nasabing bilang umaabot umano sa 1.4 million ang out of school youth sa elementarya mula sa dating 431,000 noong 2011 habang umaabot naman sa 3.4 ang hindi nag-aral sa high school.

233

Related posts

Leave a Comment