4-ARAW POWER INTERRUPTION NAKA-ISKEDYUL NG MERALCO

meralco12

(NI KEVIN COLLANTES)

MAY apat na araw na power interruption na ipatutupad ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong linggo sa ilang lugar sa Metro Manila, Bulacan at Laguna, kasunod na rin nang patuloy nilang pagsasagawa ng maintenance works.

Batay sa maintenance schedule na inisyu ng Meralco, nabatid na ipatutupad ang power interruptions mula ngayong Lunes, Hulyo 1, hanggang sa Huwebes, Hulyo 4.

Sa Metro Manila, nabatid na kabilang sa mga lugar na maaapektuhan ng power interruptions ay ang Barangay Wack-Wack, sa Mandaluyong; Barangay Greenhills sa San Juan; Barangay Moonwalk sa Parañaque City;  Balintawak, Quezon City; at Bagong Barrio, Caloocan City.

Sa Bulacan naman, maaapektuhan ang Meycauayan at Valenzuela City, gayundin ang Norzagaray at Santa Maria habang sa Laguna ay maaapektuhan ang Liliw, Los Baños, Nagcarlan, Pila, Sta. Cruz at Calamba City.

Ilan sa mga maintenance works na isasagawa ng Meralco ay line reconductoring works, pagpapalit ng mga sira at lumang poste, pag-upgrade ng mga pasilidad na apektado ng MMDA projects; pag-install ng mga poste, preventive maintenance at testing works sa loob ng Meralco – Dila substation at line reconstruction works.

Ayon sa Meralco, layunin ng mga pagkukumpuni na isinasagawa nila na higit pang mapaghusay ang ipinagkakaloob nilang serbisyo sa kanilang mga kostumer.

 

Related posts

Leave a Comment