4 CONVICTED CHINESE DRUG LORD, LAYA SA GOOD CONDUCT LAW 

bucor55

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

APAT na convicted Chinese drug lords ang pinalaya na rin mula sa New Bilibid Prisons (NBP) dahil sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Ito ang ibinulgar ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson kasabay ng paniniyak na hihingin niya ang talaan ng 11,000 preso na sinasabing posibleng makinabang sa GCTA.

Sa impormasyon ni Lacson, pinalaya at inilipat na sa kustodiya ng Bureau of Immigration noong June para sa deportation ang mga convicted drug lords na sina  Chan Chi Chue, Kin San Hoe, Chin Che, Ho Hing Sun.

“Recently released, max security compound, June 2019. Not just August. (not sure sa spelling: Chan Chi Chue, Kin San Hoe, Chin Che, Ho Hing Sun), to be transferred to BI. All these Chinese drug lords had been convicted for violation of illegal drug laws,” saad ni Lacson.

Inilutang din ni Lacson ang posibilidad na nagkakaroon ng lagayan sa Bureau of Customs sa pagpapatupad ng GCTA Law.

“Sinabi ni Director (Nicanor) Faeldon na 11,000 ang naka-lineup na ire-release. That’s why maybe it’s subliminal or malicious or mischievous kaya ko naisip na baka parang container per container P5000 or P10000, baka per released convict baka may corresponding amount,” saad ni Lacson.

“When we talk of 11,000 convicts to be released at P10,000 each or P5000 each, you can just imagine the huge amount of money involved. I’m not saying it happened. But sabi ko nga, pwedeng isipin. Kasi bakit in bulk ganoon karami,” dagdag nito.

Tiniyak ni Lacson na kasama ito sa tatalakayin sa pagsisimula nila ng pagdinig kaugnay sa implementasyon ng GCTA Law sa Lunes.

Ipatatawag sa pagdinig si Faeldon, Justice Secretary Menardo Guevarra at ilan pang opisyal.

154

Related posts

Leave a Comment