4-DAY WORK WEEK DEDESISYUNAN NGAYON

NGAYONG Lunes, Marso 21, inaasahang ilalabas ng Palasyo ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa panukala ng National Economic and Development Authority (NEDA) na 4-day work week at work from home set up.

Sinabi ni acting Presidential spokesperson at PCOO secretary Martin Andanar na naipaliwanag na kay Pangulong Duterte ang magiging benepisyo ng nasabing mungkahi na ang layunin ay makatipid sa oras, pagkain, pamasahe at iba pa ang mga manggagawa sa gitna ng pamahal nang pamahal na presyo ng prime commodities.

Bukas din aniya ang Chief Executive sa lahat ng rekomendasyon na manggagaling sa kanyang gabinete kabilang na ang economic team gayundin maging mula sa mga dalubhasa, mambabatas at mga ekonomista.

Aniya pa, nagsalita na rin naman si Pangulong Duterte na kung anoman ang magiging desisyon ng economic cluster ay iyon ang magiging polisiya ng pamahalaan. (CHRISTIAN DALE)

66

Related posts

Leave a Comment