4 ISYUNG DAPAT TUTUKAN NG NEXT ADMIN INILATAG

INILATAG ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang apat na isyu na kailangang tutukan ng susunod na administrasyon para sa maayos na pamamahala sa bansa.

Una sa talaan ni Drilon ang isyu sa kalusugan sa gitna ng paglaban ng bansa sa COVID 19 pandemic.

Sinabi ng senador na dahil sa COVID 19, lumitaw ang kahinaan ng healthcare system ng bansa partikular ang kakulangan ng mga pagamutan at healthcare professionals.

Iginiit ni Drilon na dapat magkaroon ng long-term solutions sa mga isyu sa kalusugan ng mamamayan.

“We must not repeat the mistakes of the past,” diin ni Drilon na tinukoy ang isyu ng katiwalian at overpricing sa ilang supplies.

Tinukoy din ni Drilon ang lagay ng edukasyon sa bansa na anya ay nasa ‘poor state’ at pinalala pa ng pandemya.

Binanggit ng senador ang World Bank report na nagsasabing 9 sa bawat 10 bata ang hindi marunong magbasa.

Dapat anyang magkaroon ng roadmap na magiging solusyon sa mga problema sa edukasyon.

“This should worry the next administration. I cannot imagine a future with 9 out of 10 Filipino children who cannot read,” diin ni Drilon.

Iginiit din ng senate minority leader na dapat pagtuunan ng susunod na Pangulo ng bansa ang pagpapalakas ng ekonomiya sa gitna na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at iba pang produkto.

At ang isa pa anyang dapat iprayoridad ng incoming president ay ang pagbabalik ng tiwala ng taumbayan sa rule of law at sa justice system.

Sa gitna ito ng mga isyu ng extra judicial killings sa pinaigting na kampanya kontra droga. (DANG SAMSON-GARCIA)

63

Related posts

Leave a Comment