4 SOKOR FUGITIVES TIMBOG NG BI

bi121

(NI FROILAN MORELLOS)

NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) agents ang apat na South Korean fugitives na wanted sa kanilang lugar dahil sa iba’t ibang kasong kinasasangkutan.

Ayon sa pahayag ni Immigration spokesperson Dana Krizia Sandoval, ang apat na suspek ay nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Fugitive Search Unit (FSU) sa magkakasunod na araw ng Martes at Miyerkoles, sa isinagawang operasyon ng mga ito sa mga lugar ng  Pampanga, Makati at Cavite.

Sinabi ni BI intelligence officer Bobby Raquepo, ang mga naaresto ay sina Eum Ki Tae, 43 , at wanted sa kasong swindling ng tinatayang aabot sa 43 million won, Lee Sangmin, 33 , wanted ng Philippine National Police (PNP) anti-kidnapping group dahil sa pandarambong, Kim Yoonyoung 58, at Yoon Juong Yul, 60.

Nabatid na nasakote si Tae sa kanyang bahay sa Angeles City , habang si Sangmin Lee ay naaresto ng FSU sa kanyang condominium unit sa Makati City , samantalang si Yoonyoung  ay nahuli sa bgy. Amaya Tanza Cavite. Si Yul ay naaresto matapos ituro ng kapwa niyang Koreano.

Ang apat na pugante ay pansamantalang nakakulong sa BI facility detention Center sa Taguig City habang on going ang deliberasyon ng BI Board of Commissioner  sa deportation laban sa mga ito.

 

541

Related posts

Leave a Comment