42 LABOR GROUPS, UNIONS TULOY ANG PAGTUTOL SA ANTI-TERROR BILL

KAHIT itinambol sa media ng opisyal ng Malakanyang na ‘pabor’ si Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang batas laban sa terorismo, tiniyak ng mahigit 42 organisasyon at unyon ng mga manggagawa sa bansa na hindi nila ititigil ang kanilang ‘solidong pagtutol’ sa panukalang batas na ang layunin ay sikilin at gipitin ang mga manggagawa sa kanilang pagtatayo ng unyon at paglulunsad ng welga laban sa mga abusadong kapitalista.

“Tuloy ang laban,” ang siyang paninindigan ng NAGKAISA Labor Coalition, banggit ng tagapangulo nito na si atty. Jose Sonny Matula.

Ang pahayag ng pinuno ng mahigit 42 organisasyon at unyon ng mga manggagawa sa bansa ay reaksyong ipinarating sa Saksi Ngayon makaraang ihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque Jr. nitong Martes na si Duterte ay “inclined” na lagdaan na ang Senate Bill No. 1083 upang maging ganap na itong batas.

Ang S.B. 1083 ang pinalalagdaan kay Duterte makaraang ipasa ito ng Kongreso bilang pag-amiyenda at pagpapalakas sa Home Security Act of 2007.

Ani Matula, naniniwala ang NAGKAISA na ang S.B. 1082 “will highly endanger trade unions and people’s organizations in the Philippines.”

“Nagkaisa looks at SB 1083 as [a] threat to life and liberty of the Filipino people like what “terrorists” wanted to achieve,” giit ni Matula, pangulo rin ng Federation of Free Workers (FFW).

Ayon sa beteranong lider-manggagawa, kahit anong mungkahing batas na taliwas sa alinmang probisyon sa Saligang Batas ng bansa “is null and void.” NELSON S. BADILLA

96

Related posts

Leave a Comment