(NI BERNARD TAGUINOD)
KAILANGAN na ang tulong ng mga Simbahan upang maiiwas ang mga kabataan sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) matapos matuklasan na 53 kabataan na biktima ng nasabing sakit ay nahawa dahil sa pakikipagtalik na ang edad ay mula 10 hanggang 19.Maliban sa mga Simbahan, umapela din si Kabayan party-list Rep Ron Salo sa mga magulang
at mga civil society organization na magtulong-tulong dahil lubhang nakakabahala ang situwasyon.“We call on the church, civil society organizations and the parents to do their share in educating our children against risky sexual behavior and the dangers of getting infected with HIV-AIDS. Everyone must do his share in preventing the continued and further spread of this incurable disease,” ani Salo.
Ginawa ng mambabatas ang nasabing pahayag dahil noong Enero, 53 kabataan na edad 10 hanggang 19, ang kabilang sa 1,249 sa mga bagong pasyente matapos mahawa ng HIV.
Lumalabas sa datos na 45 umano sa mga kabataang ito ay nakipagtalik sa kapwa lalake o men-to-men sex, 5 ang nakipagtalik sa babae at lalake habang 3 ay sangkot sa male-female heterosexual intercourses.
“We need more aggressive information and education campaigns, especially for the people who are more exposed to the risks,” anang mambabatas kaya lahat aniya ng sektor ng lipunan ay dapat nang magtulungan.
Mayroon ding 4 na kabataan na edad 10 taong gulang ang mayroon ng HIV subalit nakuha nila ang virus sa kanilang ina habang sila ay nasa sinapupunan pa.
Iminungkahi din ni Salo sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na gumawa na ng programa para maipaunawa sa mga millenials ang kakaharapin ng mga ito na problema sa pamamagitan ng pakikipagtlik.
Kailangang maisagawa aniya ito sa lalong madaling panahon upang hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga kabataan na nagkakaroon ng HIV dahil sa maagang pagkamulat sa pakikipagtalik.
139