48 AFP MAMBERS POSITIBO SA COVID

UMABOT sa 48 miyembro ng Armed Forces of the Philippines ang nagpositibo sa COVID-19 ngunit nilinaw ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, nakabalik na ang mga ito sa kanilang tungkulin at muling lumalaban sa paglaganap ng coronavirus virus.

Ayon kay Arevalo, sa bilang na 48 na nagpositibo sa COVID -19, nasa 35 ang gumaling na at sumasabak nang muli sa kanilang mga trabaho.

Siyam naman sa mga nag positibo ay nakarekober na rin ngunit hinihintay ang final clearances para makumpirmang sila ay COVID-19 free na at handa na muling magbalik sa kani-kanilang duty.

Samantala, may apat pang AFP personnel ang nananatiling positibo sa virus at ngayon ay patuloy na ginagamot sa mga ospital ng Armed Forces of the Philippines (AFP). (JESSE KABEL)

72

Related posts

Leave a Comment