4PS REGULAR NA PROYEKTO NA NG GOBYERNO

poor12

(NI DAHLIA S. ANIN)

PIRMADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagtatakda sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) bilang regular na proyekto ng gobyerno upang mabawasan ang kahirapan sa bansa.

Ang batas na ito ay ang Republic Act 11310 na magtatakda rito bilang regular na  progrma upang mabawasan ang mahihirap at kwalipikadong pamilya. Bibigyan sila ng conditional cash transfer sa loob ng pitong taon upang mapaunlad ang kanilang kalusugan, buhay at edukasyon.

Ang mga kwalipikado para makapasaok dito ay ang mga magsasaka, mangingisda, mga walang bahay, indigenious people, at  mga taong nakatira sa geographically isolates area na walang kuryente.

Awtomatikong kasali sa National Health Insurance Program ang mga benepisaryo ng 4ps. Ang Department of Social Welfare and Developmemt (DSWD) naman ang pipili sa mga magiging benepisaryo ng programang ito na kanilang muling iche-check kada tatlong taon.

May mga kondisyon ding dapat sundin ang mga benepisyaryo tulad ng regular na check-up sa mga buntis at bata. Dapat nag aaral ang mga anak ng mga pamilyang kasali dito. At kailangang dumalo ang mga magulang sa mga family development session ng DSWD.

Sakaling hindi nasunod ang mga kondisyong ito, sa kabila ng pagbibigay ng babala sa pamamagitan ng sulat, maaring putulin ang cash grants ng benepisaryo at sila ay sasailalim sa isang assessment na gagawin ng DSWD.

Sakaling hindi pa rin makasunod ang benepisaryo sa loob ng isang taon, ay maari na siyang tanggalin sa programa.

Ang batas na ito ay magtatag ng regional at national advisory council na siyang magtatakda kung magkano ang halaga na ibibigay sa bawat benepisyaryo.

Nakasaad din sa batas na ang mga batang nag aaral sa elementarya hanggang junior high ay tataggap ng hindi bababa sa P300 hanggang P500 kada buwan sa loob ng 10 buwan. Nasa P700 naman ang matatanggap kada buwan ng senior high sa loob din ng 10buwan.

Hindi rin bababa sa P750 kada buwan ang para naman sa nutrisyon at kalusugan ng isang beneficiary sa loob din ng 10 buwan.

Ang mga kwalipikadong benepisaryo ay maaari ring makapasok sa livelihood program.

Sa panayam kay DSWD Sec. Rolando Bautista, mas mataas ang benepisyong matatanggap ngayon sa ilalim ng bagong batas. Pero siniguro ng kalihim na ang mga kondisyon sa batas at penalties na naroon ay sapat na upang protektahan laban sa pang aabuso ang programang ito.

May karampatang parusa naman ang mga magsisinungaling tungkol sa datos ng kanilang pamilya, maari silang makulong ng isang buwan hanggang isang taon at magmumulta ng P10,000.00 hanggang P100,00.00.

 

506

Related posts

Leave a Comment