5 GURO SA SEA TRAGEDY AAYUDAHAN NG DEPED

deped25

(NI KEVIN COLLANTES)

NAGLULUKSA ngayon ang Department of Education (DepEd) dahil sa pagkamatay ng limang guro mula sa Western Visayas Region, na nakabilang  sa paglubog ng tatlong motorboat sa Iloilo-Guimaras Strait nitong Agosto 4.

Ayon sa DepEd, labis nilang ikinalulungkot ang nangyari sa mga guro at nagpaabot ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima.

Tiniyak rin naman ng DepEd na pagkakalooban ng kaukulang tulong ang mga biktima at kanilang mga kaanak.

“Finally, the Department expresses its wholehearted commitment and calls on its field offices, partners, and stakeholders to ensure that the bereaved families receive adequate support as they go through this difficult time,” pahayag ng DepEd.

Nabatid na ang mga biktima, na kinabibilangan ng apat na guro mula sa Lambunao National High School at isang guro mula sa Agcuyawan Calsada Elementary School, ay nanggaling sa Guimaras State University upang iproseso ang kanilang graduate school requirements, kasama ang isa pa na nakaligtas naman sa trahedya.

Kaagad namang bumiyahe ang mga opisyal ng Schools Division ng Iloilo sa bayan ng Dumangas upang alamin at ipagkaloob ang pangangailangan ng mga biktima at kanilang mga pamilya.

 

158

Related posts

Leave a Comment