5-TAON VALIDITY NG LISENSIYA NG BARIL PASADO SA SENADO

BARIL-7

(NI NOEL ABUEL)

PUMASA na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang palawigin ang validity ng lisensya sa pagkakaroon ng baril at bala mula sa dalawang taon ay magiging 5-taon.

Sa botong 20-0, ipinasa ng mga senador ang Senate Bill No. 1155, na nag-aamiyenda sa Republic Act No. 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” na nagpapalawig sa renewal ng firearm registration mula apat na taon hanggang limang taon.

Sa ilalim ng nasabing panukala, ang pagpaparehistro ng mga baril ay gagawin kada 5-taon.

“Failure to renew the registration of the firearm on or before the date of its  expiration shall cause the revocation of the license. The said firearm shall be confiscated or forfeited in favor of the government after due process,” ayon pa dito.

Kasabay nito, pinalawig ang validity ng “permit to carry firearms outside of residence” mula 1-taon ay gagawing 2-taon.

Ang Senate Bill 1155 ay iniakda ni Senador Bato Dela Rosa kung saan maliban sa pagpapalawig sa lisensya at rehistrasyo  ng baril ay pinababawasan din ang requirements sa pag-a-apply  nito.

Ayon kay Dela Rosa, marami ang hindi nagpaparehistro sa PNP dahil sa kumplikadong proseso na nagreresulta ng pagdami ng mga loose firearm.

177

Related posts

Leave a Comment