50% DISCOUNT SA 90 YRS OLD IGINIGIIT

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI lang 20% discount sa mga bilihin at iba pang pangangailangan ng mga senior citizen lalo na ang mga 90 taong gulang pataas kundi 50% kapag naamyendahan ang Expanded Senior Citizen Act  of 2010 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Base sa House Bill (HB) 5718 na inakda ni Senior Citizen party-list Rep. Franciso Datol Jr., na paamyendahan ang nasabing batas partikular na ang Section 4 (a) upang taasan ang discount ng mga senior citizens habang sila ay nagkakaedad.

“Thus, this bill seeks to give certain classes of senior citizens graudated discount, whill will amend specifically Section 4 of Republic Act No. 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010,” ayon sa panukala.

Nais ng mambabatas, lahat ng senior citizens na edad 90 anyos pataas ay magkaroon ng 50% discount dahil mas marami ang pangangailangan ng mga ito at wala ng income.

Ang mga edad 80 anyos at hindi lalagpas sa 90% naman ay iminungkahing bigyan ng 40% discount habang 30% naman sa mga edad 70 hanggang 79 anyos.

Mananatili naman sa 20% ang discount ng mga senior citizens na edad 60 anyos hanggang 69 anyos na siyang regular na ibinibigay na benepisyo sa mga lahat ng mga matatanda.

Bukod sa discount ay mayroon libre din sa value added  tax (VAT) ang lahat ng senior citizens.

“The growing population of senior citizens become more vulnerable with implementation of the tax reform, Unlike the young and employed, they won’t be able to enjoy lower income tax rates and are most likely to feel the impact of inflation,” paliwanag ni Datol sa kanyang panukala.

Sa ngayon ay umaabot na sa 8.1 million ang senior citizens sa Pilipinas subalit kokonti lamang ang umaabot sa edad 90 anyos pataas dahil base umano sa World Health Organization (WHO) data noong 2015, ang life-expantancy ng mga kalalakihan ay 65.3 years old habang 72 years old naman sa mga kababaihan.

“If we lived beyond this age, certainly it is God-given bonus on our dear lives. Correspondingly, the age differences bracket as mentioned ought to have a differenct graduated discount,” ayon pa kay Datol.

360

Related posts

Leave a Comment