50% NG PINOY WALANG ACCESS SA PCF

0

LIMAMPUNG porsiyento ng 110 milyong Filipino ay hindi nakararating sa primary care facility (PCF) sa loob ng 30 minuto, ayon sa Department of Health (DOH).

Kaya, hangad ng DOH na malutas ang nasabing suliranin, wika ni Undersecretary Lilibeth David sa Senate Health Committee.

Ayon kay David, ang kawalan ng access ng mga Filipino sa PCF sa loob ng 30 minuto ay kitang-kita sa mga rehiyong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Bicol at Mimaropa (Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan).

Nabunyag ang suliranin sa PCF nang iharap ni David ang Philippine Health Facility Development Plan na nagsimula noong 2020 at matatapos sa 2040.

“Our goal is all of our population will have access to a primary care facility within 30 minutes,” banggit ni David sa Senado.

Sa kasalukuyan, mayroong 2,593 PCF sa bansa at 1,500 pribadong health facilities.

Idiniin ng opisyal na malaki ang papel na gagampanan ng programang Universal Health Care (UHC) at Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) upang mawakasan ang suliranin sa PCF.

Makatutulong din ang mga barangay health center sa mahigit 42,000 barangay sa bansa, dugtong ni David. (NELSON S. BADILLA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment