504 ‘fresh cases’ karamihan galing sa NCR PINAS, HIGIT 25K NA ANG KASO NG COVID-19

PATULOY sa pagtaas ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa bansa.

Sa pinakahuling tala ng DOH ay may 607 na dumagdag sa bilang ng mga ito.

504 dito ang ‘fresh’ o newly validated cases na karamihan ay mula sa National Capital Region (NCR) habang 103 naman ang late cases at sa ngayon ay 25,392 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit.

Tumaas naman sa 5,706 ang mga nakarekober matapos dumagdag ang 252 na gumaling sa naturang sakit.

Umakyat din sa 1,047 ang bilang ng mga namatay matapos maitala ang karagdagang 22 kahapon. D. ANIN

128

Related posts

Leave a Comment