5,121 PASADO SA PNP ENTRANCE EXAM; 5,481 SA PROMOTIONAL EXAM

pnp120

(NI NICK ECHEVARIA)

UMABOT lamang sa 5,121 na mga nangangarap na maging pulis ang nakapasa sa PNP entrance exam, samantalang 5, 481 naman ang pinalad na pumasa sa PNP promotional exam batay sa inanunsyo ni Napolcom Vice Chair and Executive Officer Atty. Rogelio T. Casurao nitong  Biyernes.

Mula ito sa kabuuang bilang na 46,419 na kumuha ng exams na isinagawa ng Napolcom sa iba’t ibang designated testing centers sa buong bansa noong April 28, 2019.

Sa bilang na ito, 32,972 ang kumuha ng PNP entrance exam, kung saan 15.53 porsyento lang ang pumasa na eligible maging Patrolman o Patrolwoman.

Umaabot sa 13,447 pulis naman ang kumuha ng promotional exam, kung saan 40.76 porsyento ang nakapasa, na binubuo ng 3,363 sa Police Officer Exam, 1,735 sa Senior Police Officer Exam, 347 sa Inspector Exam at 36 sa Superintendent Exam.

Ang mga pulis naman na nakapasa sa promotional exam ay eligible na umangat sa susunod na ranggo.

 

115

Related posts

Leave a Comment