52 SUMUKO SA GCTA, PINALAYA NG BUCOR

bucor55

(NI HARVEY PEREZ)

PINALAYA ng  Bureau of Correction (BuCor) ang may 52 sa mahigit 2,000 sumuko na nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Ayon kay Justice Spokesperson at Usec.Markk Perete ,ito ay matapos ang pagrebisa sa kanilang mga kaso.
Una nang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang may 1,904 Persons Deprived of Liberty (PDL) na nakinabang sa GCTA na magsisuko, pero matapos ang 15-araw na deadline mahigit sa 2,000 ang nagsisuko sa BuCor at Philippine National Police (PNP)  dahilan para suspendihin ang pag-aresto sa mga hindi sumuko .

Bukod sa 52 PDL na ikalawang batch ng palalayain, may karagdagan pang 35 PDL na sumuko na ang mga kaso ay bineberipika na rin  ng DoJ-BuCor Joint Task Force para mapalaya.

Sanhi nito, nabatid na aabot na sa 87 ang kabuuang bilang ng PDL ang mapalaya na mula pa noong Biyernes gabi.

Nalaman na ang mga pinalaya na PDL ay pawang nakatira sa Metro Manila .

Habang ang mga nakatira sa mga probinsiya ay isinasaayos pa ang gagamitin na sasakyan para sa paghahatid sa kanila sa mga lalawigan.

Muli umanong magkikita ngayon ang Task Force para ipagpatuloy ang deliberasyon.

 

 

163

Related posts

Leave a Comment