(NI ABBY MENDOZA)
APRUBADO na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukala na nagbaba sa optional retirement age ng mga kawani ng pamahalaan sa 56 taong gulang mula sa kasalukuyang 60 anyos.
Sa oras na maisabatas ang House Bill 5509 ay aamyendahan nito ang RA 8291 o Government Service Insurance System (GSIS) Act of 1997.
Layunin ng panukala na maenjoy ng mas maaga ng mga retiradong empleyado ang kanilang buhay kasama ang pamilya dahil sa maagang pagreretiro.
Hangarin din ng panukala na gawing mabilis ang turnover ng mga posisyon sa pamahalaan para mabigyang pagkakataon ang mga batang professionals na makahawak din sa mga matataas na pwesto.
Kung ibababa sa 56 ang retirement age ng mga kawani ng gobyerno, magkakaroon din ng mas maraming employment opportunities sa mga nais na magtrabaho sa pamahalaan.
Sa kabilang banda ay itinatakda pa rin sa 65 taong gulang ang mandatory retirement age ng mga kawani ng pamahalaan.
“This bodes well for the families of our retirees as well, as our retirees have more time to spend with their loved ones in relative comfort. Our retirees and their families will enjoy the fruits of decades’ worth of labor and will lessen the burden on the family’s spending,” paliwanag ni Ako Bicol Rep Alfredo Garbin, isa sa may akda ng panukala.
136