6-ORAS NA TRABAHO SA SENIOR CITIZENS ISINUSULONG  

pinoy senior1

(NI BERNARD TAGUINOD)

ANIM na oras lang patatrabahuin ang mga senior citizen na ieempleyo ng gobyerno at maging ng mga private sectors upang matulungan ang mga ito sa kanilang pinansyal na pangangailan.

Ito ang nabatid matapos ilunsad ng Kamara at Department of Labor and Employment (DOLE) Tulong Panghanapbuhay para sa Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) para mabigyan ng trabaho ang senior citizens.

Base sa mga inaprubahang Memorandum of Agreement (MOA) ng PUP, DOLE Secretary Silvestre Bello III kasama si Rep. Ronnie Ong, ng Ang Probinsyano party-list, kukuha ng empleyado ang nasabing unibersidad mula sa hanay ng mga senior citizens.

“Senior citizens who will be hired to work at the PUP will do tasks that are important but not physically strenuous at least 3 hours in the morning and 3 hours in the afternoon,” ani Ong.

Pasasahurin din ang mga senior citizen ng P537 kada araw na siyang umiiral na minimum wage sa National Capital Region (NCR) habang ang mga makukuha naman sa mga PUP campus sa labas ng Metro Manila ay ibabase ang kanilang sahod sa regional wage at kukunin umano ang sahod sa pondo ng TUPAD.

Ayon sa mambabatas, kailangang tulungan ang mga matatanda na magkaroon ng sariling kita dahil bagama’t maraming discount umano ang mga ito base sa mga umiiral na batas ay wala naman silang pera.

“They have discounts on food, medicine, transportation and even entertainment but  what’s the use of all these perks  if our senior citizens do not have the money to spend? I really think that the government should open more economic opportunities for our senior citizens and let them enjoy life even in their twilight years,” ani Ong.

Nais din ng mambabatas na amyendahan ang  Republic Act (RA) 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010 upang bigyan prayoridad ang mga senior citizens sa work-for-pay program dahil marami sa mga ito ang malalakas pa at kaya pang kumayod.

 

180

Related posts

Leave a Comment