6,302 HULI,  2  ARAW BAGO MATAPOS ANG GUN BAN

gun ban21

(NI NICK ECHEVARRIA)

DALAWANG bago opisyal na magtapos ang ipinatutupad na Comelec gun ban, umabot na sa mahigit 6,000 katao na lumabag dito ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Sa ulat ni PNP spokesperson P/Col. Bernard Banac, nasa kabuuang  6,302 na mga indibidwal ang naaresto ng PNP sa iba’t ibang checkpoint operations sa  bansa sa kasong pag-iingat at pagdadala ng mga ilegal na baril.

Ang mga naaresto ay kinabibilangan ng 103 mga security guards, 45 police personnel, 25 militar, 92 mga lokal na opisyal at 90 iba pa mula sa mga law enforcement agencies ng bansa mula nang ipatupad ang comelec gun ban noong January 13, 2019 na magtatapos sa June 12, 2019.

Nabatid na karamihan sa mga nadakip na lumabag sa gun ban ay pawang mga sibilyan habang hindi naman nabanggit ni Banac  ang mga lugar kung saan nahuli ang mga unipormadong personnel ng militar at pulisya.

Sa panahon na umiiral ang gun ban, mahigpit na ipinagbabawal maging sa mga licensed gun owners ang pagdadala ng mga baril sa labas ng kanilang mga tahanan, maliban nalamang kung mayroong mga permit galing sa Commision on Elections (Comelec).

Samantala, iniulat din ni Banac na umabot naman sa 6,259 na mga baril ang nakumpiska  ng PNP sa ibat ibang panig ng bansa sa parehong panahon.

 

134

Related posts

Leave a Comment