(NI BETH JULIAN)
NAKATAKDANG kausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kawani at opisyal ng Bureau of Customs na sangkot sa katiwalian.
Dapat ay noong isang linggo pa nakaharap ng Pangulo ang mga ito ngunit dahil may mga naunang naka-schedule nang pulong at mga aktibidad ang Pangulo ay hindi ito natuloy.
Gayunman, hindi pa pinatigil ang mga ito sa kanilang trabaho sa halip ay pinatawag sa Malacanang para makausap.
Noong nakaraang linggo ay 64 na kawani at opisyal ng BoC ang inianunsyo ng Pangulo na sisibakin sa puwesto dahil umano sa pagkakasangkot sa katiwalian.
Pinaglinis din ang mga ito ng ilog Pasig bilang bahagi ng parusa.
170